Tags

, , , , , , , , , , , , ,

Ang magmahal pala’y sadyang kaysarap
Pag-ibig ay sumibol ni wala sa hinagap
Nang aking masilayan, angking kagandahan
Di ko namalayan, ako’y tinamaan

Dito sa puso ko’y sadyang inilaan
Ang pangalan mo’y di malimut-limutan
Masasayang araw, na sa ati’y nagdaan
Tila balintataw sa aking isipan

Ngunit ang tadhana’y sadyang mapagbiro
Mga tinik sa puso sa akin ay itinimo
Pangako sa isa’t isa’y biglang naglaho
Pangarap na inialay, kapalit ay pagkabigo

Luha ko’y tumulo ng di namalayan
Kay tagal n nagmahalan, nauwi sa kawalan
Mahal ko’y inagaw ng taong kawatan
Mahal ko’y sumama at ako’y iniwan

Ngayo’y heto ako, umiibig na naman
Mapait na nagdaan, nawa’y di na maranasan
Pag-ibig na wagas muling iniaalay
Pag-ibig sa isa’t isa nawa’y maging matibay…

Advertisements